ANG MANLALAKBAY
Sa pagsibol ng bukang-liwayway,
naging masigasig Ang Manlalakbay
tumahak, gumuhit ng kanyang landas
sa mundong pilit na tinutuklas.
Daang bundok ang siyang inakyat
tinawid, malalawak at malalim na dagat
unos, sakuna, sakit ay bumadya
upang ilihis sa kanyang tadhana.
Maraming beses mang ibinuwal
ang kanyang katawa’t isipang pagal,
nagpatuloy sa landasing binabagtas
ang pusong magiting na di kumupas.
Ang Manlalakbay, pilit sumulong
bigat ng mundo’y kanyang sinuong
di nagpagapi sa bawa’t panganib
iwinaksi ang anumang bumalakid.
Sadyang may puso’t tapang na taglay
ang di-matinag na manlalakbay
sa bawa’t pagkatalo, ito ay bumangon
inalay ang buhay sa bawa’t hamon.
Kaya’t sa pagsapit ng dapit-hapon,
lugod na humarap sa Panginoon
sa diyos na Siya ring lubos umalalay
umakay, humawak sa kanyang kamay.
“Ninais ko ang buhay na masaya
at sa Iyo, ako‘y sumampalataya
nguni’t mga daan ay naging matinik
baku-bako at sala-salabit.
Gayunpaman, aking napagtanto,
lahat ng pagsubok ay ginto
na biyaya sa dulo ng daan
pagka’t Ikaw ay aking matatagpuan.
Ano ba ang tunay na kaligayahan?
ang mabuhay nang may kabuluhan
ang humarap nang walang takot
sa mundong puno ng galit at sigalot.
Ang umibig sa kapwa nang tunay
umakay sa kanilang mga napilay
ng iba at sarili nilang pagdaranas
tungo sa kaligayahang wagas.
Ngayong ako’y naririto na,
nawa’y patnubayan Mo po sila
mithiin ng puso, akin nang nakamit
humimlay, sa wakas, sa Iyong dibdib.”
Lumuhod, lumuha nang may galak
Ang Manlalakbay sa Kanyang hapag:
“O, Diyos na makapangyarihan sa lahat,
ako’y lubos na nagpapasalamat!”
MANHID
Di-mawari ng puso ang kanyang kawalan
ng damdaming sa hinuha’y hiningi ng pagkakataon,
hinihingi ng panahon.
Ano ang pagkakamali? ang nararapat? ang ninanais?
Pinilit kong dinggin ang sigaw ng kunsensya
at ako’y nagulat sa aking nakita.
Hindi pala.
Ang manhid ay may damdamin din pala,
nakatago sa ulap ng mga alinlangan
at ulan ng suliranin.
At nalaman kong sa kawalan ng damdamin,
tumitibok pa rin ang kanyang puso.
PAGPAPATAWAD
Hindi ko alam.
Paano nga ba?
paano magpatawad?
paano magpatawad sa sarili
sa pagkabigo bilang isang ina?
Paano mawawaglit ang sakit na narito
kung sa bawa’t araw, ang bawa’t araw
ay naglalaman ng iyong alaala, mahal ko?
kung ang bawa’t tibok ng puso ko
ay nagsasabing sa iyo’y tuluyang naglaho?
Paano?
kung sa bawa’t “Kumusta?” ay “Mabuti” ang tugon ko
gayong ang bawa’t tugon ay may halong kirot?
Sinungaling…
Paano?
…Siguro, may mga bagay na sadyang di natin masasagot.
Hindi ko alam.
Hindi lamang sa ngayon.
Darating din ang araw na masasagot ko kung paano.
Umaasa pa rin ako.
Isang araw ay babalik ka sa piling ko.
Hindi man ngayon. Maghihintay ako.
Hanggang mayakap kita, mahalikan kita, at masabing
“Pinapatawad ko na ako.”
**********************************************
Sanay ay nagustuhan ninyo. Ang lahat ay nanggaling sa puso ko.
Ang mga tulang ito ay nagsisilbing lahok sa Saranggola Blog Awards 8. Sasali rin sana ako sa Maikling Kuwento pero kulang na ang oras ko.
Bongga iyong manlalakbay. Hangad ko ang panalo mo kaibigan.
LikeLiked by 1 person
Salamat! Kaso, last year pa ‘yan. Di ako nakasali ngayong taon. Tapos na ang deadline. P’wera kung pahabain pa nila ang deadline, next year na ako sasali…
LikeLike
Cool.
Oo nga ee, nai-send ko na bago napansing last uear oa iyan. Anyhow, ang galing mo. Isa ako sa fan here. Keep it up.
LikeLiked by 1 person
Wow, sobrang salamat, nakaka-inspire 🙂
LikeLiked by 1 person
Pleasure is mine. Keep writing , madami kaming looking forward to read more from you.
LikeLiked by 1 person
Ha ha, first time to hear that, pero makakapagpasaya lang ako ng tunay sa kahit isa, masaya na ako….Next year, di ko na mami-miss ang Saranggola Awards 🙂
LikeLiked by 1 person
Aii wee ? Pero nagandahan talaga ako ee. Sige, go! Chi-cheer nalang kita.
LikeLiked by 1 person
🙂
LikeLiked by 1 person
My fave is the “Ang Manlalakbay.” 😀
LikeLiked by 1 person
Figures. You’re a storyteller 🙂
LikeLiked by 1 person
Buti nakahabol ang entry na ito. 🙂 Well written!
LikeLiked by 1 person
Salamatski!!! 🙂
LikeLiked by 1 person
I do not understand the poems. But I love the imagery, especially the one of the robot. Maybe it is wondering what it is worth, does it have a heart, or where did a love that felt so strong went…Awwww.
LikeLiked by 1 person
He he…You’re right about the robot wondering if it has a heart. The two other poems are totally new. Just finished the first one today, and the last, I actually came up with during lunch!…I actually entered a contest and the deadline for submission is today, he he…The themes were pananampalataya (faith), pag-ibig (love), pag-asa (hope).
I actually also wanted to submit for the short story category, but it’s far from finished.
I hope I win, I really do, but competition maybe fierce. Haven’t the heart to check on others’ submissions so I won’t lose heart if I find they’ve submitted great stuff. I’ll have to stand by my first poem and have faith 😉
LikeLike
Good on you for entering the competition. You never know until you try. Always fun when you try and go along with it. Good luck 🙂
Funny how ideas strike us at the most random moments. Sometimes I’d be pottering around my room arranging things and I’d have a brain wave, a great idea for a blog post or a story. And then I think I’ll remember the idea only to forget about it, lol 😀
LikeLiked by 1 person
Oh, don’t I know that forgetting thing! It sucks, right???
LikeLike
Well, despite my better judgment, I went ahead and read some of the entries that they have just uploaded and they’re gooooood! So it has kind of made me nervous especially since I’m not listed there yet as one of the finalists (I think they’re still in the process of choosing stuff that pass their standards).
I will pray, but I won’t put my hopes up too much. Yeah, God does help, but I cannot assume they are not praying for the same thing. Who am I to say I need this more than they do? God does know I need this.
LikeLiked by 1 person
Good news! I got in. Now, gotta pray about winning. That’s a longer shot…
LikeLiked by 1 person